Ang Pakikipagsapalaran ni Werdnakram: Ikalawang Aklat
This ebook may not meet accessibility standards and may not be fully compatible with assistive technologies.
Siguro, maari, o baka lang naman posible na ang pinagkaiba ng ‘tao’ sa ibang mga nilalang, na masasabing pinakamapalad na binigyan ng pagkakataon na manirahan sa ‘di-sibilisadong’ daigdig, ay ang kanyang abilidad na kumilos gamit pareho ang kanyang talino at emosyon ng sabay. Ang duality na ito—na sa tingin ko ay isang hiwaga o kababalaghan—ay bahagyang nagpapahayag kung paanong ang tao ay manabik sa kaalaman at pang-unawa. May isang sikat na parirala, “Scientia potential est” na ang ibig sabihin ay “ang kaalaman ay kapangyarihan”. Sa lagay na ito, ang sangkatauhan ay may pagkahumaling o obsesyon na kontrolin ang bawat detalye ng kanyang pagkatao. Samantala, sa kabilang dako ng hiwagang ito ay ang paraan ng sangkatauhan kung paano niya buuhin ang kanyang sariling mundo—kultura, relasyon—kung saan ito ay isa sa mga namumutiktik na halos hindi makontrol na emosyon.
Maaring totoo nga na ang kabalintunaan na ito ay minsang nagsisilbing sagabal sa kanyang pag-unlad. Gayunman, hindi ito nagpapakita na ang sangkatauhan ay mahina, ngunit isang dahilan para paunlarin pa ang kanyang pagkatao.
Sa librong ito ay isasalaysay ang pakikipagsapalaran ng isang ‘’human being” o sa tagalog ay “pagkatao ng isang tao”. Siya si Werdnakram, isang tao na gustong bigyan ng kahulugan ang kanyang existence sa mundong ibabaw at gunitain ang samu’t-saring kaalaman at karanasan ng kanyang pagkatao.
Details
- Publication Date
- Sep 4, 2023
- Language
- Filipino, Pilipino
- ISBN
- 9786214708710
- Category
- Fiction
- Copyright
- All Rights Reserved - Standard Copyright License
- Contributors
- By (author): Mark Andrew Manao
Specifications
- Format