Si Bartoloy ay isang masipag at matalinong bata lumaki sa isla ng Bantayan Cebu. Mula pagkabata ay pangarap na niya talaga na maging isang pulis,idolo niya ang kaniyang kaibigang pulis na si G. Genio lagi itong nakabantay sa daan malapit sa kanilang paaralan.Gusto niya na maging isang magiting na pulis upang magbigay proteksiyon sa lahat ng tao sa komunidad.
Isang araw habang sakay ng kaniyang bisekleta kasama ng kaniyang kaibigan ay nabangga siya ng isang sasakyan na naging sanhi ng kaniyang pagkabulag. Labis na nalungkot ngunit hindi nawalan ng pag-asa si Bartoloy na gumaling tinulungan niya ang kaniyang sarili at tuwing pagpatak ng Alas Nuwebe ay may nakagawian silang gawin ng buong pamilya. Maging ang kaniyang pinakamatalik na kaibigang pulis na si G. Genio, mga kaklase at guro ay tumulong upang makabangon siya mula sa pagsubok na kaniyang naranasan.
Makaraan ang ilang buwan na gamutan ay bumalik din ang kaniyang paningin isang napakalaking himala at nagbigay daan para maipagpatuloy niya ang kaniyang pangarap na maging isang magiting na pulis. Ipinagmamalaki siya ng kaniyang mga magulang at mga kaibigan dahil sa ipinakita nitong determinasyon, lakas ng loob. Tunay nga na malaki ang nagagawa ng panalangin sa ating buhay walang imposible basta may pagtitiyaga at pananampalataya.
Details
- Publication Date
- Nov 14, 2024
- Language
- English
- ISBN
- 9786214952687
- Category
- Children's
- Copyright
- All Rights Reserved - Standard Copyright License
- Contributors
- By (author): Raquel Almenzo Ompad
Specifications
- Pages
- 35
- Binding Type
- Paperback Perfect Bound
- Interior Color
- Color
- Dimensions
- US Letter (8.5 x 11 in / 216 x 279 mm)